Harana para sa dalaga
Na kundi dahil sa pag-ibig ay tinalikuran ko na sana
Dalaga na balak makasama
Mula sa simula hanggang sa magsipagtunugan yung kampana
Makasama ka na para bang tadhana
At kamatayan lamang ang nag-iisang pintuan kung wala ka
Ang tadhana sadyang kahanga-hanga
Ibang mga babae sa mundo kinalimutan na para
Masabi lang sayo na tapos na panggiginaw
Ng puso kong naghihikaos pagkat naliligaw
Ngayon paos na paos na sa kasisigaw
Ng iyong pangalang laos na sa kalilitaw
Ngunit bakit parang maraming nakatitig satin
At parang hindi sila sang-ayon sa pag-ibig natin
Mahal kita kahit may pagka-alanganin
Pagkat sabi mas mukha ka pang lalaki kesa sakin
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko
(Ikaw lang at wala nang iba)
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko
Sa dami ng isda nakabingwit ako ng hipon
Hindi ka lang maganda pag-hindi nakatalikod
Parang ipot ka ng ibon magpakipot
Hindi kanais-nais pero hulog ka ng langit
Nakakadik kahit puro kuto ka sa anit
Kalait-lait pero kahit ubod ka ng pangit
Sakin maskaakit-akit ka pa pagnatuto kang mag-ahit
Hindi ka manatiling ikaw lang ang kapiling ko
Kahit hindi pilitin, ikaw ang pipiliin ko
Para kang Rebisco ang sarap ng filling mo
Ikaw ang namimiss ko mismo
At kung kasama ka, parang naglakad ng aso, kaso di eh
Paggalit si Son Goku parang kamukha mo beh
Pero ika’y bituin kapag sa langit nakadungaw
Kahit parang in-between ka ng babae at bakulaw
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko
(Ikaw lang at wala nang iba)
(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko
(Ikaw lang at wala nang iba)
Ang sabi nya “Uy! Meron akong nabalitaan”
Nang ikwento nya ako ay napaisip
Sabay napatahimik nang sinabing “Hindi yan tunay na pag-ibig!”
Ilang araw hinanap bago makita ang sagot
Kung tama ang hinala, ito’y mabisa na gamut
At nang aking inumin saka ko lang naunawaan
Gayuma nga! Langhiya! Ako’y naloko lamang!
Nilinlang, dinaya, at inuto ng matindi
Ngayon ay pili ko na kung sinong kupal sa hindi
Ito ay pelikula na binuo patabinge
Isa kang malaking libag na tinubuan ng pisnge!
Alam mo? Mukha kang tuhod na may sugat, na may bukol, na may nana!
Ikaw ang dahilan kung ba’t nasulat ‘tong harana
Para sa dalaga na kung di dahil sa gayuma ay pinaliguan ko ng bala
(Hindi ko maipaliwanag)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap
(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)
Paggising ikaw ang nasa isip
(Badtrip)
Ka-date kita hanggang sa panaginip
(Ang pangit mo talaga)
Kasi ikaw ang iniibig ko
(Ikaw lang at wa… ah… teka.. teka.. teka.. teka..)
(Pero ngayon ay maliwanag na lahat)
Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap
(Di ako makapaniwala sa pagkat)
Paggising ikaw ang nasa isip
Ka-date kita hanggang sa panaginip
Kasi ikaw ang iniibig ko
Gaga-GAYUMA
Dahil sa Gaga-GAYUMA
Gaga-GAYUMA
Dahil sa Gaga-GAYUMA
Gaga-GAYUMA
Dahil sa Gaga-GAYUMA
Gaga-GAYUMA
[Until it fades]
Gayuma by: Abra
The lyrics say it clear that this song, uhm, is about how a girl fooled Abra. Paniwalang paniwala siya na true love yung nararamdaman niya dun sa babae. Well, yung girl eh mukhang lalake. So ayun, nabuo niya tong kanta because of that scenario na na-inlove siya sa isang girl na akala niya eh destined for him, but then, ginayuma lang pala siya.
" Ikaw ang dahilan kung ba’t nasulat ‘tong harana
Para sa dalaga na kung di dahil sa gayuma ay pinaliguan ko ng bala "
Sa totoo lang, natawa ako sa music vid na to kasi sila anygma, smugglaz, zaito at loonie anjan din.
Nakakatawa yung characters nila. Sobra pati yung expression nila towards sa scenario na may girlfriend si abra na mukhang kabayo jan sa video. Uhm, di ko po nilalait yung partner ni abra sa music video.
Honestly, this music video was awesome. Ang galing nung mga characters. Emphasized talaga yung mga roles nila. :D
IDOL ABRA! Ang pogi na, Ang galing pa!
No comments:
Post a Comment