Friday, September 21, 2012

mamangka sa dilim

Kagabi, di na ako nakapagblog kasi pagod ako paguwi. As in. Super. XD

I am from my friend’s house, kasi celebration ng birthday niya and at the same time, birthday ng papa niya. Her name is Shai. I was with my other friends, too. Pero that’s not the main talk in this blog.

Taga Pitimini, Cuyab yung classmate kong si Shai, at yun BAHA pa din doon! XD syempre di naman kami lumusong. Wala naman kaming dalang extrang damit. HAHAHAHAHAHAHA. So, namangka kami. Ang dilim na noon eh. Late na din kasi kami nakapunta doon. Nakakatakot kasi baka tumaob at mahulog ako. XD hanggang tuhod lang naman ang baha pero nakakatakot pa din na baka mahulog ako noh! Ang arte arte ko. Tili ako ng tili at paulit ulit dun sa bangkero na hawakan ako ng mabuti habang nasakay ako at wag igewang gewang yung bangka. HAHAHAHAHA. Nakakatawa ako nung mga time na yun. Nabubulabog ko yung mga tao dun sa super ingay ko. XD
Habang namamangka kami, feeling ko nasa Venice, Italy ako. Ay teka dun nga ba yun? yung may sinasakyan na bangka para makapunta ka sa isang destinasyon? Ay basta yun na yon! XD gabi naman kasi yon. di mukhang madumi. Pero may mga lumulutang na basura din. XD konti lang naman. HAHAHAHA. basta nakakatuwa na nakakatakot. One of my First Times yun. Mala ilog talaga yung tingin dun sa baha. Nakakamiss tuloy. :)

ang galing magparinig, pag sa personal ni hindi man lang makatingin. HAHAHAHAHAHA

pathetic. :P

Monday, September 17, 2012

ikaw na mapagmahal niyan

mahal mo siya, mahal mo din si isa pa, tapos mahal mo din si pangatlo, pang apat at pang lima.
Nuxx. IDOL!

Reality 101: flashing back all the memories, realizing that you’re happier when you’re not using your brain

PATHETIC BITCH.

Mga taong kulang sa pansin na kelangan pang gumawa ng kwento na may bukol siya sa puso. Samantalang lahat na nang extra curricular activities sa school nasalihan nya na. Ang tungaw eh. Grabe lang. Forever alone ka ba pag wala kang sakit? Shet. Di mo man lang inalala yung mga nagaalala sayo. Di mo din inisip na kakainisan ka nila pag nalaman nilang ginagago mo lang sila. Attention seeker. Pft.
Liar. Pathetic. Alone in life. Mean. :P

Malandi siya?

Parehas lang kayo. Tanga!
Sadyang galit ang malandi sa kapwa malandi.
Parehas lang kayong commoner.
Di mo papatulan dahil ugaling public school siya, gago ka ba? Laking public school ka rin naman diba?
Di ka apektado? Pero kung magparinig ka wagas at kung magreact ka todo todo.
Yung mga sinasabi niya nagrereflect sa kanya? Tungaw ka ba? Ganun ka din, aminin mo na!
Tapang tapang eh. Pag harapan naman nga nga na.

Lalaki lang yan teh. Salpak ko pa yan sa bunganga mo. Parehas lang kayong low class kaya mag ingat sa pananalita.
Kaya ka lang naiinis dahil nakikita mo ang sarili mo sakanya. Ay mali. Nakikita mo ang better you, mas malandi, mas plastik, mas low class, mas papansin, mas social climber, sa kanya. Naiinis ka lang kasi lamang siya at talo ka niya.

Pampalubag loob

ICE CREAM
Masarap. Nakakapagpagaan ng loob kasi, feeling ko nabalik ako sa pagiging bata na ang tanging pinoproblema lang eh ang maghanap ng oras para sa paglalaro

CHOCOLATES
Masarap din. Matamis. Proven na nakaka bawas siya ng stress. Alam naman natin yun eh. Pag nakaen kasi ako ng chocolate ramdam ko ang sarap ng buhay. Minsan its hard, pero nagmemelt din. Sweet. :)

GALA W/ FRIENDS
Syempre. Hahaha. Nakakalimutan mo mga problema mo pag kasama mo mga kaibigan mong hunghang, loko loko, autistic at chuvaloo. Papatawanin ka nila. Lilibangin ka. Iisipin mo na kaya mo lahat ng binibigay na pagsubok ni BRO! :)

FLIPTOP
HAHAHAHA. Ang weird ko ba? Ligaya ko ang fliptop. Lalo na si abra. Pag nanunuod ako ng fliptop natatawa ako at narerealize na sa bawat pagbanat ng buhay, di ka mananalo kung nganganga ka lang. :) dehba?

BLOG
Yes! Syempre dito ka nag oopen ng lahat lahat. Lahat ng gusto mo ipagsigawan. Lahat ng problema mo. Para kang may kausap. Nalilibang ka tuloy. Minsan, oo mukha ka ng tanga. Pero madalas masaya tayo pag di inaalala mga bagay bagay sa mundo. Yung ang dating natin, inosente tayo dahil pagiisip lang ng ipopost dito sa tumblr ang pinoproblema natin. :D

Hehehehe. Share Share. :)))))
Crepes and cream :)
Yan yung kakaibang ice cream na nakaen ko kanina. XD imbis na sa cone nakalagay yung ice cream e sa crepe. yung crepe e parang pancake. Inosente nga ako kanina eh. Hanep talaga. Ansarap. Poor kasi ako kaya ngayon lang ako nakatikim nyan. Hahaha. Pero yan na ang peborit ko. Yun nga lang, ginto ang presyo. XD

I am with che and shai in this photo. Sa robinson’s place manila
Step Up 3 Dancing in the Water.
Ang angas netong part na to.
Kakatapos ko lang naman kasi manuod. Honestly, first time ko to mapanuod. Hahaha. Lagi kasi akong busy. Tapos minsan lang ako manuod ng tv. So yah, super angas talaga. Lalo na yung pinakahuli nilang ginawa. Ang astig ni moose sumayaw. Sana ganun din ako kagaling. Idol ko na si moose. Hanep talaga tong part na to. Parang naglalandi lang ng tubig. Nakakasayaw pa din sila ng maayos kahit may tubig samantalang yung kalaban nila nadudulas. Hehehe. Pamatay talaga ang dance moves ng step up movies. :D
P.S. Sorry Low Quality
Di akin yung vid. :)

Walang Taong Tanga...

Gusto lang talaga nila maging masaya. Wag natin sila pakialaman. Intindihin natin sila. :)

DLSU-Taft

At ayun. SAKSES! HAHAHAHA. Ang haba ng pila grabe pero ayos lang kasi nakuha ko yung permit ngayong araw mismo kahit ginabi at kahit binabaan ako nung taong sumagot ng tawag ko nung tumawag ako sa landline ng la salle.
Dami ko nakita dun. Si oyie, olivia sison (church mate ko sa ccf), si jazzie manansala, ingrid martinez, kaori yano, jd de guzman. Hahaha. Eh kilala niyo sila eh.
Tapos di kinuha ni meg(fairycandles) at glyna(themisleading) yung mga permits nila. How’d i knew? Kasi inaannounce pa din name nila. Ulit ulit. At dahil malapit ako sa announcer, kita ko din pics nila. Hahahaha.

So yaaah. Amen. Sa wakas. :)

After boys? U mad?

Oo. Di mabubuo ang lipunan pag walang lalake. Pero, haler? Babae ka po. Ang cheap tignan pag sobrang after ka sa boys. Yung tipong obsessed? Hala ka. Okay lang naman magkacrush, magkagusto, pero yung hahabol ka na parang ulul sa lalaking ni hindi mo naman gaano kilala. Pinapababa mo pagkababae mo. Boys are to chase girls. That’s how it’s supposed to be. The end. :)

Foodcourt.

Ang sarap kumaen sa part na yan ng mall. Hahaha. Daming pagpipilian. Mura pa. :) ewan. Antakaw ko kasi kanina. Dami ko nakaen. Eh masarap naman kasi. Kasama ko pa si mahal kaya mas lalong nakakagana kumaen. Hahahaha. Grabe, putok tyan ko. Nakakahiya. Naka hanging-blouse pa naman ako. Hahaha. Ok lang. Sabi naman nya “sexy ka pa din sa paningin ko :’)” ohaaa. :P

And he waited for me…

2 ang uwian ni mahal. 2 kararating ko lang sa BR. Andrew Gonzales Hall. Hanep sa haba ng pila. Pinaghintay ko sya hanggang 5? Or 5:30? Wala man lang akong narinig na reklamo sakanya. Sabi ko “dadi, sorry kung pinagantay kita.” sabi niya naman “ayos lang yun, makakasama naman kita eh, worth it ang pag iintay ko ;)” (yes, may wink)

Kumain kami sa mcdo with my nanay(lola ko), at tinreat siya ni nanay. Ganun na sila kaclose. Pinagbitbit pa niya ng bag na puro files si nanay. :D ayie. Hahaha.

Kahit super nakakapagod at nakakabagot yung araw ko, kumpleto pa din dahil sakanya. Ayun. Sheeet. XD ako ay nikikilig. Hahaha.

sabe ni mahal :’)

opo. at mami. wag mo ikumpara ung nging pagmamahal ko kay l**** dte. sa pagmamahal ko sayo ngayon. kse nga kung tutuusin mas grabe pagmamahal ko sayo eh. di porket umiyak ako dhil kay l**** eh mas minahal ko sya. tandaan mo mami. ikaw lang ang unang babae na pinakitaan ko ng ibat ibang klaseng effort sa kadahilanang gusto ko patunayan na iba ka sa mga nging gf ko. :** mahal na mahal kta. higit pa sa inaakala mo.








Sunday, September 9, 2012

"Kung hindi ka pa nagkakamali, wala ka pang nagagawa."
- Loonie

BROWNOUT!

Badtrip. Wala bang magawa sa buhay yang meralco na yan? Nasa kalagitnaan ho ako ng pagtatype ng isang article at poof biglang nawalan ng kuryente. Ayos. Di pa naka autosave yung ms word. Malas malas talaga. Uulitin ko na naman. Ano ba? Kainis ampotpot.
yung mga litratong iisa lang itsura.
iisang pose.
ibang lugar, ibang damit. hahahaha. LOL! :D

sigaw ka, SUPERMAN AKO!

Isang sorry lang niya, Ayos na :’)

Magdamag kang tulog. Pwede ba, wala kang alam sa mga ginagawa ko. Wala kang karapatan pakialaman ako dahil hindi ikaw ang nanay ko. Di mo ko dinadamitan. Di mo ko pinapalamon. Di mo ko ginagastusan. Kaya wala kang ni kapiranggot na karapatan. Wala man lang ako utang na loob sayo.
Lakas ng loob mong sabihing makapal mukha ko. Oo pinag aaral ako ni lola. Binibigyan ako ng pera. So? Uulitin ko, pinag aaral ako. Meaning estudyante pa ako kaya wala pa akong kinikita. Ikaw? Di ka ba nahiya? Naka ilang shift ka ng course nung college ka? Tagal mo ng may trabaho wala ka pa ring ipon. Wala ka pa ring sariling bahay. Masaklap pa don, may trabaho ka na nga, nanghihingi ka pa ng pera. Ano ka pasal? Ts. Tas ang lakas ng loob mong sabihing makapal mukha ko.
Parehas lang tayong nakikitira sa bahay ng iba. Ikaw tong mas matanda, ikaw tong batugan. Puro bisyo inaasikaso. Mahiya ka naman sa balat mo. Ikaw ang makapal ang mukha. Sagad sagaran po!

Tang Ina mo araw araw. Bumalik ka na dun sa lungga niyo ng gf mong mukhang bakla. Sipain ko pa kayo sa mukha.

Nung nagpaulan ng KALANDIAN, basang basa ka noh?!

Sorry

Sabi nila ang sorry daw nakakawala lang ng galit pero di daw nito natatanggal ang sakit. Marahil.
Pero, di naman lahat ng humihingi ng tawad ay may kasalanan talaga. Hindi nga ba may mga taong mas pinahahalagahan ang pinagsamahan kaysa sa pride?
Sa pananaw ko, ang sorry ng isang tao ang nakakatanggal lahat ng sama ng loob. Oo, mahirap kalimutan ang kasalanang nagawa sayo ng isang tao. Pero dapat matuto tayong magpatawad. Kapag ang tao ay humingi ng tawad, hindi ba’t nakakalambot ng puso? Nawawala ang galit at sakit pag naramdaman mo kung gaano ka pahalagahan.
Forgive and Forget. Mahirap lumimot, pero mas mahirap ba magpatawad? Kung si bro nagawa tayong patawarin agad agad sa isang mabigat na kasalanan, ano pa yung magpatawad tayo ng kapwa sa maliit na bagay na nagawa niya?
Lahat ng tao nagkakamali. Kaya may salitang sorry dahil may salitang forgive. Kaya may salitang forgive dahil may salitang chance. At kaya may salitang chance dahil anjan ang salitang love. Konektado di ba?
Matutong magpatawad at maging mapagkumbaba.
Sabagay, ikaw rin naman ang mahihirapan at bibigat ang loob dahil kung ang iba nga binigyan ka ng pagkakataon para itama ang mali mo, ikaw, ipinagdamot mo sa iba ang pagkakataon nilang bumawi.
Masaklap. Pero totoo.
Say sorry, then forgive. :)

ikaw na mapagmahal niyan

mahal mo siya, mahal mo din si isa pa, tapos mahal mo din si pangatlo, pang apat at pang lima.
Nuxx. IDOL!

Reality 101: flashing back all the memories, realizing that you’re happier when you’re not using your brain

Saturday, September 8, 2012

RAYMOND ABRACOSA :)



EHEM.
Si Raymond Abracosa po yung nasa litrato. Mas kilala siya sa ngalan na "ABRA." Isa siyang rapper. Isa siya sa tatlong miyembro ng LDP, the Lyrically Deranged Poets. Uhm, mas nakilala siya nung naging part siya ng fliptop. ANG GWAPO NIYA PUHRAMIS! Nakakatuwa yung mga banat niya sa fliptop. Favorite ko yung banat niya kay Smugglaz dito sa video na 'to: Fliptop LoonieAbra vs. ShehyeeSmugglaz

Eto yung sabi niya.
"Sobrang bobo ni Smugglaz, akala niya nagtatounge twist siya pero di niya alam ang spelling ng tounge. Sige nga, spell tounge! TOUNGE *NA MO! DI MO ALAM!"

Astig din yung battle nil ni Zaito. Close yung laban. Tawa lang ako ng tawa dito HAHAHAHA. Eto yung video: Fliptop Abra vs Zaito

Eto yung lines niya (copyright: http://infolinkerz.blogspot.com/2011/01/fliptop-abras-imba-lines.html)

"kagalang galang na ginoong Zaito taos pusong kong ginagalak ang iyong padgalo dito wag ka sanang aborido dahil kasi panlalalait ng mga swangit ang akong paborito"

"Sino ang lalampaso ng negrito? ako mismo
batang pinasugod ng simbahan para puksain ang mga lamang lupa
na kagaya mong tikbalang"

"kaya tanong ko lang handa ka na ba talgang makipag tagisan
sa sobrang init ng venue natin pre nagmukha kang singit na pinagpawisan"

"isang kang tambay sa labas ng bahay na parang betlog na naka bantay
tapos ang hugis ng ulo mo parang betlog na nakalaylay"


"ikaw ay kapunapuna mula ulo hanggang paa
pero si zaito mas malala kasi mula ulo mukhang paa"

"tsong iba ang kalbo ng pagkabinata sa kalbo, dahil napapanot"

"hindi ka man fresh pero youre so fly
kasi dahil palagi kang dinadapuan ng langaw"


"agaw pansin agaw eksensa tingnan nyo may bling bling pa sya dito
pinagkabit kabit na kadena ng aso at mumurahing platito"


"hoy gunggong meron akong bugtong ano ang kulay bagoong na nakasuot ng purontong at sa sobrang hirap ay ang ulam ay konting galunggong
hirit ka na ba tsong oooops meron pa palang kadugtong
alyas taong tutong na nanggugulpi ng kalabaw pagtinatamaan ng sumpong"


"bibigyan kita ng clue alam mo na ba ang sagot?
bibigyan kita ng clue kahit kaka-unti
kailangan nya ng palamuti at kamukhang kamukha nya si
kokey na may ngiping naka usli"


"nakapagtataka lang kasi kung ikaw bay taga planetang kabayo
kasi posible rin taga dito ka sa earth at nanggaling ka lang sa pwet nga kabayo"


"pero si Zaito pagfreestlye wala rin ka pantay
kaya noong nakita ko sya kanina pare pa-akbay
habang akoy nangnungumusta, may naramdaman na parang swabeng galamay
sabay kapkap ko sakin bulsa at ang wallet koy natangay"


"sikat na sikat ka daw pero saking palagay
sikat ka lang kasi wanted ka sa maraming baranggay"


"sa sobrang baho mo ngayon para akong kumapit sa bangkay
at dahil hawak kita para narin akong may hawak na tae sa kamay"

"tingnan nyo si Zaito hayop na snatcher kung humataw
may dala agad na bra at napkin tang ina 6th battle pa lang ang dami ng nanakaw"

"para lang mawala lang yang anghit mo
kailangan mo pang maligo sa sabong panglaba"

"tulad ng nakaraan
mananalo ka lang naman kung magchoke ako sa laban"

"ot? ayan oh autistic
parang gagong natinik"

"ngayon lang ako nakakita nga taong nahihirapan magsarado ng bibig"

"ang laki kasi ng ngipin mo nagmukhang tuloy padding sa bungaga
kahit hindi mo sinasadya para ka lang tangang nakatungaga"

"tinatanong ko lang sana naghihilamos ka pa ba ng mukha mo pare
kasi pag malayo mukhang tae at pagmalapit puro bulate"

"salot sa lipunan nakikipag sex agad kapag may kabayong natipuhan
wag nyo dalhin yan sa Sta Ana baka lalong malibugan"

"hindi ka pwedeng makabayan paano magiging makabayan ang nakakadiring dukha
ehh nahihirapan ngang itangkilik ang sari mong mukha!"

Wala na akong ibang masabi. Basta the best si Abra. He is one of my idols sa Fliptop. :) Gwapo na Magaling pa. Saan ka pa di ba?

eto pala yung twitter account niya --> @abraofficial

Minsan, gusto ko na talaga lumayas.

Nakakapikon. Nagpapahinga lang ako. Grabe nakakahiya dito sa mga kasama ko sa bahay. Ako pa tong tamad. DI AKO TAMAD, SADYANG DI LANG AKO IPINANGANAK PARA MAGING UTUSAN O YAYA NG MAAGA.

Buong araw ako na kumilos dito sa bahay. Syempre wala sila eh, natural, sino pa gagawa ng mga gawain? Kakapal ng mukha. Lalo na ng kapatid ko. Di ako bad na ate. Pero minsan, nakakaubos pasensya na. Kakahiya sa mga magdamag tulog ha. Grr. :@

Idadamay pa pag cocomputer ko. Kabwisit. Di na nga ako nakakahawak ng pc. Halos dito nalang ako sa phone nag oonline. Pano, everyday, kada umaga bago pumasok, 5 oras sa harap ng pc kapatid ko. Di na nagsawa sa mga paulit ulit nyang nakikita sa fb. Di na nagsawa sa kakashare ng kung ano. Duh?! Di naman makagamit ng pc pag gabi dahil super pagod na ko. At madalas bawal na magbukas ng pc pag later than 7.

Ampupu talaga. Minsan gusto ko na lang manakal. Sisigawan pa ko. Suskopo. Kakamatay ang amoy ng hininga. May toothbrush at toothpaste naman kami. Hay badtrip talaga, sobra. POTAPETS.

Love at first sight. Love is blind.

Ano ba konek ng love sa mata? XD para kasi saken, “Love is not to be seen, it has to be felt, IN THE HEART” yie.

Para sa mga Copycats at Walang Originality

Yung totoo, anong pakinabang ng utak nyo?

Maduming Utak

Di ko maintindihan bat karamihan ng mga babaeng magkaibigan nagaaway dahil sa isang lalaki. Ganyan na ba ka overruled ng mga lalaki ang mga girls?

Malisya. Yun yon eh. Kaumay lang pag kaibigan mo na super close yung special someone ng friend mo at pinaghihinalaan ka kahit alam na may bf ka. Natawag ka pang flirt at bitch ng wala sa oras at sa di malamang kadahilanan. Grabe lang. What’s worst is, hindi sila. MU lang ata.

Kahit na. May something pa din between them. Haler? Kaibigan mo nga di ba? Di lang si special someone ang dapat pagkatiwalaan. Mas pagkatiwalaan si friend. At isa pa kung mahal ka talaga nung tao, kahit sinong lumandi dun, WAEPEK.

Kung may gusto sila sa isa’t isa, malamang pinursue na nilang pumasok sa isang relasyon di ba? Pero hindi. Open sayo si special someone at si friend. Di sila nagkekwento o nagsheshare para maghinala ka. Deputa.

At maghinay hinay din sa pananalita lalo na kung di pa klaro sayo ang lahat. At kahit may karapatan ka man kay special someone, wala ka pa din karapatan para manlait o magsabi ng masama sa kapwa mo, lalo na sa kaibigan mo, kung lalaki lang ang rason at kung di pa klaro ang lahat sayo.

Kahit nag uumapaw ka sa ganda, pag si mahal ang pinaguusapan Aminin mo! Kahit sa mukhang tae nagseselos ka. >:P

Ipinanganak kang wala siya, kaya wag mong sabihin na mamamatay ka pag nawala presensiya niya.

Ewan ko ba kung bakit,

Pero sa sobrang pag iisip, nasakit na ulo ko. Hala? Di kaya mabaliw na ko neto? XD

For the first time. :DDD

Nag highest ako sa english at math. At pagkasayasaya ko. Sa sobrang saya ko inaksaya ko oras ko sa pagbablog ko. Sa sobrang saya ko inaksaya ko din oras niyo sa pagbabasa netong blog na to. Sa sobrang saya ko mukha na kong tanga dito kakatype. Binabasa mo pa din? XD hahahaha. Sa sobrang saya ko, natatawa na ko sa pinag gagagawa ko. Sa sobrang saya ko, eto BALIW NA AKO. XD

Sa nagbasa neto, dagdag ka sa kasiyahan ko. :**

Disadvantage ng pagiging sobrang ganda?

Nililigawan ka lang dahil maganda ka at para may pang display siya hindi dahil mahal ka niya talaga >:P

Bakit nga ba ako masaya? :D

Kanina, wala yung english teacher namin. Nag iwan siya ng seatwork, at yung seatwork na yun ay gumawa ng article na ang theme ay “why are you happy? explain your reasons” napaisip ako ng malalim. Sa totoo lang, masayahin naman akong tao. Minsan mo lang ako masisilayang nakasimangot. Pero bakit nga ba? Bakit nga ba ako masaya? :)

Siguro, unang una, kasi may pamilya ako. Pamilyang kahit hindi buo eh tanggap ang buong pagkatao ko. :) pamilyang gumagabay sa akin at sumusuporta sa mga gusto at pangangailangan ko. Pamilyang bumubuo sa pagkatao ko.

Pangalawa, masaya ako dahil di ako nag iisa at nandyan ang mga kalog kong kaibigan. :) sila ang nagsisilbing sandalan ko sa tuwing nang hihina ako o napapagod. Hinding hindi sila mawawala sa listahan ko ng mga dahilan ng kasiyahan ko. :D

Pangatlo, dahil malaya ako? Oo. Dahil maaari kong gawin ang anumang naisin ko. Pero syempre may kaakibat na responsibilidad mga desisyon ko.

Pang apat, masaya ako dahil kuntento ako. Kuntento sa kung ano at sa kung sino ang meron ako. Kuntento ako at nagpapasalamat. :) na nakakakaen ako ng 3 beses sa isang araw, na may bahay ako, na may luho, na nahinga ako, na natututo ako, na nagmamahal at minamahal ako, na nakakatulog ako sa malambot na kama gabi gabi. :D

Huling huli, masaya ako dahil minamahal ako at nagmamahal ako :) actually, yun na ata kabuuan noon eh. Mahal ako ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko. Mahal ako ni BRO :) diba diba?! :)) siguro, hindi lahat ng mahal ko ay minamahal ako pabalik. Pero, hindi yon dahilan para maging malungkot. Kung may sandamamak na dahilan para malungkot, meron at meron pa ring dahilan para sumaya, kahit isa lang, atleast meron pa din. :P

God gave us life, hindi para magdusa, kung hindi para mag enjoy, matuto at magmahal. Yun lang talaga ang punto kung bakit tayo binigyan ng buhay. Be contented on what you have, surely you’ll be happy than anyone else :))

All in all, the reasons behind my happiness is I have a life, i’m living it, i’m learning from it, and i’m loving it :D
Para ‘to sa taong laging tama. Sa taong ayaw mapahiya. Sa taong di alam kung paano pipigilan ang bungaga at bantayan ang pananalita. Sa taong walang kwenta. Sa taong kaibigan ang turing sa’yo pag may kailangan siya. Sa taong tulad mo, katulad mo na TANGA NA GAGO PA! Sa taong di marunong magpasensya at magpakumbaba!


HOY! ANG KAPAL NG PAGMUMUKHA MO! MAHIYA KA NAMAN SA BALAT MO OY!

Don't cry over spilled milk

Yan yung pinaka naalala ko sa reading text namin kanina sa english. Infairness of all fairness, di ako nabore kanina. Super nakikinig talaga ako.

Yang linyang yan, ibig sabihin move on. Hindi maibabalik ng pag iyak ang nakaraan. Bukod sa nganga ka na, nauubos pa lakas at panahon mo. Diba? Diba? :)

Imbis na magmukmok sa natapong gatas, bakit di mo kaya gawan ng paraan para mawala ng tuluyan ang mga bakas ng natapong gatas? Meaning, aliwin ang sarili. Gumawa ng paraan upang mas mabilis makaget over sa pangyayaring di kanais nais. :)

Time heals, but time with activities done quicken up healing the wounds.

Always look at the problem eye to eye, and say, “i’m better than you and i can get over you.”

BE STRONG! :D

Panget mo na nga, Panget pa ng ugali mo

Kawawa ka naman. Isinumpa ka na ata. Tsk tsk tsk. Better luck next lifetime. >:D

Yung totoo? Ano bang kasalanan ko sa mundo?

Kasalanan ko bang binabaha pag may bagyo? Kasalanan ko bang sobrang init? Kasalanan ko bang numinipis ang ozone layer sa sobrang pollution? Kasalanan ko bang may mga magnanakaw, mamamatay tao, etc? Kasalanan ko bang may nakakalat na tae sa daan? Kasalanan ko bang umapaw ang tubig sa mga dam? Kasalanan ko bang pangit ka at maganda ako? Kasalanan ko bang mahal niya ako at ayaw niya sayo? (teka, bakit napunta na don?) Kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba? Bat ako pinapahirapan ng ganito? T_T huhuhu.
Bakit wala akong ballpen at notebook? Bakit andami kong gawain? Bakit di nagana ng maayos utak ko? Bakit kung ano ano na lang tinatype ko? Bakit? BAKIIIIIT? :3

Natatawa ako :D

Sa sarili ko. Sa paligid ko. Sa kapatid kong mukhang panda. Sa aso naming maniac. Sa nunal ni gloria. Sa height ni dagul. Sa electric fan na walang kwenta. Sa headset na sira. Sa gumagalaw na pics sa yahoo. Sa mga tinatype ko. Sa kagaguhan at katangahan ko. Sa kamalasan sa mundo. Sa mala paang mukha mo! Hahahah. Hotaena! Nababaliw na ako.

Thursday, September 6, 2012

Hahaha. Pakyut lang ako. Nakakairitang tingnan di ba? XD well, itong araw na to ay normal na araw lang, walang BV, pero wala din masyadong happenings. Pagod lang talaga ako. Hahaha. So ayon. Good Night. :D


Published with Blogger-droid v2.0.9

ang batang nagmula sa planetang ewankosayo

Ako si batangalien. Syempre, web name ko lang yan. (kung nais niyong malaman ang aking tunay at buong pangalan, kalikutin niyo lang ang blog na ito at mahahanap niyo ang sagot).

Labing limang taon na akong nabubuhay sa mundong ibabaw. Gagraduate na ko, ilang buwan na lang. Nakatira ako sa bahay namin. Nag aaral ako sa isang lisensyadong paaralan.

Masayahin ako. Madaldal. Obvious diba? Maganda? Oo, sa balat ng lupa ng planetang ewankosayo. Matalino? Sapat lang din para makapagblog. Maldita? Hm. Oo, sa masama ang ugali.

Mahilig ako magbasa, magsulat, magcomputer, magtext. Sa totoo lang, di ako sanay na nagsusulat ng diretsong tagalog ang gamit ko. Pero pinipilit ko. Syempre, pinoy ako eh.

Ano pa ba? Ah basta, di ako perpektong alien. Pero ipinagmamalaki kong naiiba ako at masaya ako sa kung anong meron ako.

I am young, wild and free. Pero di ako single. ;) sa nagbabasa ng walang kwentang blog na ito, sana nasiyahan ka sa kwento ko at sana din naiintindihan mo ko. HAHAHAHA.

Palakaibigan akong tao, pero kung ituturing akong hayop, mas hayop pa sa hayop ipapakita ko.

angbatangalien BOW! :D

Published with Blogger-droid v2.0.9

Blog?

Ano ba ang blog?

Para kasi saken, ang blog ay isang journal/diary na pwede mong makausap o mapaglabasan ng saloobin. Pwede mo makwentuhan at siguradong handa kang pakinggan.

Sa blog ko naieexpress lahat ng thoughts ko. Lahat ng sama ng loob. Lahat ng kasiyahan. Lahat ng experience. Lahat lahat.


In short, ang blog ay isang matalik na kaibigan sa aking pananaw. :)


Published with Blogger-droid v2.0.9