Sunday, September 9, 2012

Sorry

Sabi nila ang sorry daw nakakawala lang ng galit pero di daw nito natatanggal ang sakit. Marahil.
Pero, di naman lahat ng humihingi ng tawad ay may kasalanan talaga. Hindi nga ba may mga taong mas pinahahalagahan ang pinagsamahan kaysa sa pride?
Sa pananaw ko, ang sorry ng isang tao ang nakakatanggal lahat ng sama ng loob. Oo, mahirap kalimutan ang kasalanang nagawa sayo ng isang tao. Pero dapat matuto tayong magpatawad. Kapag ang tao ay humingi ng tawad, hindi ba’t nakakalambot ng puso? Nawawala ang galit at sakit pag naramdaman mo kung gaano ka pahalagahan.
Forgive and Forget. Mahirap lumimot, pero mas mahirap ba magpatawad? Kung si bro nagawa tayong patawarin agad agad sa isang mabigat na kasalanan, ano pa yung magpatawad tayo ng kapwa sa maliit na bagay na nagawa niya?
Lahat ng tao nagkakamali. Kaya may salitang sorry dahil may salitang forgive. Kaya may salitang forgive dahil may salitang chance. At kaya may salitang chance dahil anjan ang salitang love. Konektado di ba?
Matutong magpatawad at maging mapagkumbaba.
Sabagay, ikaw rin naman ang mahihirapan at bibigat ang loob dahil kung ang iba nga binigyan ka ng pagkakataon para itama ang mali mo, ikaw, ipinagdamot mo sa iba ang pagkakataon nilang bumawi.
Masaklap. Pero totoo.
Say sorry, then forgive. :)

No comments:

Post a Comment