Friday, September 21, 2012

mamangka sa dilim

Kagabi, di na ako nakapagblog kasi pagod ako paguwi. As in. Super. XD

I am from my friend’s house, kasi celebration ng birthday niya and at the same time, birthday ng papa niya. Her name is Shai. I was with my other friends, too. Pero that’s not the main talk in this blog.

Taga Pitimini, Cuyab yung classmate kong si Shai, at yun BAHA pa din doon! XD syempre di naman kami lumusong. Wala naman kaming dalang extrang damit. HAHAHAHAHAHAHA. So, namangka kami. Ang dilim na noon eh. Late na din kasi kami nakapunta doon. Nakakatakot kasi baka tumaob at mahulog ako. XD hanggang tuhod lang naman ang baha pero nakakatakot pa din na baka mahulog ako noh! Ang arte arte ko. Tili ako ng tili at paulit ulit dun sa bangkero na hawakan ako ng mabuti habang nasakay ako at wag igewang gewang yung bangka. HAHAHAHAHA. Nakakatawa ako nung mga time na yun. Nabubulabog ko yung mga tao dun sa super ingay ko. XD
Habang namamangka kami, feeling ko nasa Venice, Italy ako. Ay teka dun nga ba yun? yung may sinasakyan na bangka para makapunta ka sa isang destinasyon? Ay basta yun na yon! XD gabi naman kasi yon. di mukhang madumi. Pero may mga lumulutang na basura din. XD konti lang naman. HAHAHAHA. basta nakakatuwa na nakakatakot. One of my First Times yun. Mala ilog talaga yung tingin dun sa baha. Nakakamiss tuloy. :)

No comments:

Post a Comment